hay naku! nakakainis, bakit ganun? kung kelan sanay ka na sa piling ng mahal mo, saka naman kayo magkakalayo...ganito ba talaga ang buhay???

sa wednesday, lilipat na ako ng building, malalayo na ako sayo, honey ko... hindi na tayo laging magsasabay mag-lunch, mas madalang pa sa minsan tayo magsasabay pumasok, at malamang ganun din sa pag-uwi... .

pero sana wag kang madala, gaya nang hindi ako madadala, gagawa pa rin ako ng paraan para hindi kita mamiss, hay, kung magkasama nga tayo e, namimiss kita, paano pa kaya kung hindi?

honey, di ko alam kung gaano kahirap ang magiging trabaho ngayon, sana wag naman kagaya ng dati na halos sa opisina na ako tumira, at ikaw naman ay matiyagang naghihintay sa akin kahit na madaling araw na, ayokong napapagod ka kasi e, basta ang gusto ko lang e maging understanding ka at ganun din ako sayo...

hindi pa man e, magte-thank you na ako sayo, nakikita ko na handa kang magtiyaga at magparaya at gumawa ng paraan para masulit natin ang bawat sandali na magkikita tayo sa minsanang pwede tayong mag-lunch ng sabay, kapag uwian kung pwede, at sa tuwing ikaw ay maghihintay sakin tuwing mag-o-OT ako, maraming salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo.

mamimiss kita, mabilis lang naman ang anim na buwan, kaya natin to. Good luck to you honey! God bless you always!

Mahal na mahal kita.