Mahal kita pero hindi mo lang alam.
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitingnan.
Ayaw mo naman itanong sakin kasi baka nga naman hindi naman ikaw, at hindi ko rin naman sayo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon ang manligaw.
Mahal kita pero hindi nga lang halata.
Hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa.
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala.
Pero hindi ako torpe. Hindi ko lang talaga masabi sayo ng harapan.
Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam.
Hindi mo ako titignan, hindi rin kita titignan.
Lagi mo lang akong pakikiramdaman.
Lagi rin kitang pakikiramdaman.
At araw araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan.
Pero ngayong malapit ng matapos ang kanta ko, nais kong magkaalamanan na.
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan kasi alam kong dun din naman ang Tuloy nyan at dalawa rin lang ang posibleng sagot jan. Oo o hindi.
Kaya't eto na. Sasabihin ko na at para matapos na at hindi na magka-tsismisan pa.
Sasabihin ko na para wala ng problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa.